Lost
High school, oh high school! Not just the school but the people who make it more memorable.
Nang bumalik ako sa school, akala ko magiging okay na. Akala ko mawawala ang feeling ng may nawawalng bagay. But I found out na hindi pala ang school ang kailangan kong makita. Hindi school ang hinahanap ko kundi pati na rin ang mga taong nag-build ng high school life ko. Missing you all! <3
The End
Dito ko na tinatapos. Sa dalawang salita ko na sinasabi ang hudyat ng pagpapaalam. Ito na ang closure. The end.
It is God, by His Spirit, who works in sinners the grace of hunger and repentance and faith, causing them to see their sin, to see Christ, and to come to Him.
Rev. Charles Terpstra in http://www.reformedwitnesshour.org/1997/1997sep14.html
One Hundred Fifteenth
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country. - John F. Kennedy, 35th president of USA
Noong una kong narinig ito, nahiya ako bigla kay Pareng JFK. Biruin mo, demand tayo ng demand without asking what we can offer for our dear country. We tell the government what’s the right thing to do without us knowing what’s the right thing we can do. Reklamo kasi tayo ng reklamo. Puna ng puna. Turo ng turo. Ang daming nagpro-protesta. Ang tanong, may nabago ba? Sinasabi natin kung anong mali. Ang tanong, naging tama ba? Sinisigaw natin kung sino ang salarin. Ang tanong, nasama mo ba ang sarali mo sa listahan? Ang dami mong alam. Mukhang nag-research ka pa. Mali ito. Mali ito. Mali ito. Ako ang tama. Yan ang dayalogo mo. Sa tingin mo, umunlad Pilipinas kakasalita mo? Haluan kaya natin ng gawa hindi puro ngawa. Haluan ng puso hindi puro nguso. Not just wake up, grow up!
Independence day na oh! Nakakahiya, 115 times na tayo nagseselebreyt pero hindi pa rin natin pinapalaya ang isipan natin. Hindi natin pinapalaya mula sa lumang kaisipan at ideolohiya. Sabi ng iba, ang tanging paraan ay dumulog sa pamahalaan na siyang makapangyarihan. Teka, ano pa ang dahilan ng pagtawag sa People Power? Mas marami ang mga mamamayan kaysa namahala sa gobyerno. Subukan wag magbilang ng gawa ng iba. Magsimula sa pagdidisiplina sa sarili. Ang apoy ng pagbabago ay unang sumisilab sa bawat isa sa atin.
Hindi ako matatapos sa blog na ito. Pagkatapos nito ay ang pagbubulay-bulay kung ano nga ba ang misyon ko dito. Ano bang magagawa ko sa Pilipinas kong mahal? Ano ba ako ng bansang ito?
Unselfish Love
All this time, namulat ako sa kahulugan ng pag-ibig na pinakilala sa akin ng mundo. Love when they love you back. So foolish of me! Pero I have learned to love a person without me expecting to be loved back. Love even no one else does. Love even no one shows it. Love even they hate you. Because unselfish love makes you understand things opposite to what the world understands. It’s not being completely insane, it is being unconditional.
The devil knows your name but calls you by your sin. God knows your sin but calls you by your name.
Ricardo Sanchez (via onthemountaintop)
(Source: lovedrelentlesslybyhim)
Paradoxes of Reasons
I choose not to talk to you not because there’s nothing to talk about but there are so much words better left unsaid. I choose not see you not because I’m still hurt but because I’m now healing the wounds you made. I choose not to draw near to you not because I’m moving on but because I’m ‘moving up’. All these things I choose not because I want to but because you make me feel you want me to do so.
Kabataan, Pag-asa ng Bayan?
Sabi ni Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Kaso napapaisip ako kapag napapansin ko na ang mga status ng mga kabataan ngayon ay mostly may touch ng hopelessly romantic. Yung worried about love, relationships and etc. Palaging humihingi ng payo sa radyo, dyaryo tungkol sa mapait na karanasan na dulot ng pag-ibig. Hindi ba’t mas malala pa ang dinadanas ng Pilipinas para problemahin ang mga bagay na si Lord na ang nag-aasikaso. Let God write your love story. He is the best Author I’ve ever known.
Para Sa Iyo
Kung pagbibigyan ako ni Lord ng pagkakataon na mabasa mo ang nilalaman ng puso ko, hala sige gagandahan ko tong liham ko na para sa iyo.
Nang una kitang nakita, ang aking mga mata ang unang tumibok sa taglay mong kapogian. Ewan ko ba. Tila ngumingiti ang mga mata mo kapag tumatama sa akin. Ngunit, hindi mo napukaw ang buo kong atensyon. Kasi ba naman may nilalaman pa ang isip ko noon. May naka-check in pa ata sa silid ng utak ko. Lumipas ang panahon, nagkrus nanaman ang landas natin at ikaw ay biglang kumatok sa nalulungkot kong puso. Ayaw kitang pagbuksan, ni ayaw papasukin. Hindi ko alam kung tama ba ang mga pangyayari. Naglalaro ang aking imahinasyon habang ikaw ay tahimik at walang kaalam-alam sa takbo ng isip ko. Hindi mo alam na pangalan mo na ang isinisigaw nito.
Ilang araw ang nagdaan, may ibang taong nakilala. Ikaw ay nalimot nang hindi sinasadya. Nagpadala sa takbo ng mundo, umiyak, nalumbay, natakot at nasaktan. Buti na lang ako ay iyong nilapitan, hindi ko batid kung anong hangin ang nagdala upang ako ay kausapin. Panahon na ako ay nag-iisa at walang kasama. Unang pagkakataon na tayo ay nag-usap at unang pagkakataon na ang puso ko ay lumundag nang ganoon kalakas. Binigyan ng kulay ang buhay, nilagyan ng saya ang aking pagkalumbay.
Akala ko mahirap abutin ang langit. Akala ko malayo pa ang mundo ko sa mundo mo. Ngunit, sinong mag-aakala na ang isang anghel ay lalapit sakin? Ikaw pa ang gumawa ng paraan para tayo ay magkalapit. Gusto kong magpasalamat sa tuwa mong hatid. Nasabi ko na ba sa iyong ang ganda ng iyong ngiti? Teka, yung mga mata mong ang tamis ng pagsulyap sa akin. Pati na din ang magulo mong buhok na kahit hindi ayusin ay panalo pa rin sa akin.
Hindi ako umaasa na magiging tayo sa huli. Ang sa akin lang ay mabatid ang mumunting lihim na pagtingin. Ikaw ay inspirasyon sa araw-araw na paggising. Maging masaya ka, kaibigan. Deserve mo na ikaw ay sumaya din. Maging malayang gawin ang naisin pero pahingi muna ng five minutes upang mabasa itong liham na para sa iyo.
06.06.13
I used to hate June 06. Yan kasi yung pinaka matagal akong maghihintay ng birthday ko and to the fact na six six. Lalo na sigurong ngayong taon. Six six thirteen. Bad daw ang numbers na yan. Well, superstitious beliefs won’t define what this day is to me now.
Actually, mas excited pa ako mag-June six kaysa sa birthday ko, June five. #Asiafest2013 #YouthEmpoweredph sa Church of God - Dasma yan e. Minsan ko ng pinalampas yun last year dahil gumagawa kami ng documentary for finals sa major and there’s no way na palampasin ko ito ngayon. I made the right decision of attending this momentous event. I made the right decision of choosing God before anything else.
I don’t know what I did to be favored by God to have this kind of opportunity. Wala eh. God’s grace na makakapagsabi niyan. Ang daming delegates from different churches of different parts of the Philippines and other countries as well. Ang dami ding lugar na pwedeng pagdausan ng event na ito. Pero si God, sabi Niya, “Anak, hindi na kita papalayuin pa para mahanap mo ako. Dito tayo sa Dasma magtatagpo, dito sa mismong lugar mo.” Ang daming youth, milyun-milyon, pero isa ako sa pinili ni God to be empowered. Ang daming pwedeng mangyari at hindi pwedeng magyari pero ibang klaseng Author ka God ng buhay ko. I can’t put into words the feeling I’m having.
Maraming unexpected happenings, maraming surprised moments. God is full of amazing things at nagsimula ang lahat ng iyan when I let God be the Captain of the ship. Ayaw ko na! Ayaw ko nang bumitiw sa Iyo, Lord!
- JanielleDL
Birthday Question mark
Bakit nga ba sineselebreyt ang birthday?
Seventeen times na akong nagbi-birthday with all those birthday cakes, candles, spaghetti’s, party hats at marami pang mga bagay na bumubuo sa birthday expenses. But still, may question mark na lumilibot-libot sa tradisyon na ito, halos lahat ng tao ay maiselebreyt ang birthday isang araw kada taon (except lang yung may birthday ng February 29).
Para sa akin, noon, nagseselebreyt kasi sabi ni mama. Namulatan ko na, na kailangan gumastos ng kung anu-ano para sa pag-acknowledge ng pagkabuhay sa mundong ito. Alaala na rin na binigyan ka ng panibagong taon ni Lord para ma-extend pa ang buhay.
June fifth birthday ko, bale pang-eighteen na. Isa daw na mahalagang araw sa mga girls ang eighteenth birthday or debut. Ito ay pagtawid sa pagiging legal o pagiging dalaga. Tuwing aattend ako sa mga debut, nasasabi ko sa sarili ko na gagawin kong lmemorable din itong araw na ito sa akin pagdating ng araw. Tulad ng ginawa ni ate, nagthrow siya ng party noon. Pero ngayon, ilang araw bago dumating ang mahiwagang araw na tinuring ko noon, parang wala na lang sakin ang June Fifth. Parang katulad din ng ibang araw. Kaso yung mga araw na tinutukoy ko ay yung mga araw na nagpapasalamat ako kay God na patuloy akong binibigyan ng panibagong araw para mabuhay. Ang birthday ko naging ordinaryong araw na lang. Ayaw ko na ng may cake o bisita. Ayaw ko na ng eighteen roses, candles, etc. Sapat na ang araw na iyon ay maging araw ng pasasalamat. Araw-araw birthday dahil araw-araw ay panibagong buhay mula kay God.
Radar ni Mama, Bow!
- Mama: May nanliligaw dyan sa ate mo sa Makati.
- Gret: Paano mo nalaman?
- Mama: Syempre, alam ko yan. Pati yang may boyfriend ka. Akala niyo hindi ko alam yang mga yan.
- Me: Eh yung akin, ma, alam mo? *smirks
- Mama: ...
- Me: Joke lang! Syempre, wala. *NgitiNgGoodGirl ;)
“For I am the LORD, your God, who takes hold of your right hand and says to you, Do not fear; I will help you.” - Isaiah 41:13
Nakakatakot din pala mag-isa. Lalo na kung maraming tao sa paligid mo ang nagiging dahilan ng takot mo. Hindi ko lubos maisip na ang isang taong puno ng kalokohan at naakadaldal ay umamo ng ihalo sa mga taong complete strangers talaga. Napalibutan ako ng takot at iba’t-ibang klase ng consciousness. This is wrong with me, being insecure of things. I feel so all alone and can melt in any second.
First time dumalo sa Youth Fellowship. Matagal na akong niyaya pero ngayon lang ako pumunta sa simpleng imbitasyon na puno pala ng saya at inspirasyon. Umattend ako kasi I want to grab every opportunity tha God is giving me. Matagal Niya na ako iniinvite pero ngayon ko lang Siya pinagbigyan. Nalaman ko na marami na din palang magkakakilala dito and I feel so isolated. So I decided to write some sort of journal. Wala din e. Puro fear din ang ibinahid sa ilang piraso ng papel. Lumawak ang takot at doubt sa invitation ni God. I keep on asking for God’s help. Pero nung nag-umpisa na, unti-unti na din nawala ang takot hanggang sa butil-butil na lang ang natira noong matapos. Masaya din pala! Marami ng nakilala at tuluy-tuloy na rin an pagiging channel of blessing para sa iba.
God, I thank You for overcoming my fears. Thank You for being with me the whole time. :)
Ang totoo niyan nagwawattpad ako since last year. Hindi ganun ka-active pero I keep on pushing. Mahilig ako sa made-up stories kaya nagsimula ako dito. Ayun, medyo may readers na rin at may iilang nagco-comment. Over all masaya na ng dahil sa wattpad, pwede na kong tawaging author. :) Munting pangarap ko na tinupad ng site na to.
Kaso, nakakalungkot isipin na marami akong nakikitang stories na rated SPG na gawa ng Filipino. Karamihan. Pero syempre, hindi sarado ang isip ko para sa mga iilang stories na nanatiling kilig lang at may aral.
Masaya ang wattpad! Marami na ding mga e-book dito ang naging tunay ng libro. Nakikilala na sa labas ng internet.
Wattpad anyone? :)






